Tuesday, October 28, 2008

tawa muna!

Misis : Darling, ano ang tawag sa isang asawa na sexy, maganda, hindi selosa, mapagmahal, masipag, mapagkalinga, masarap magluto?
Mister: Guni-guni!
***
TANONG: Paano mo sasabihin sa isang babae na mataba siya nang hindi siya mababastos?
SAGOT: "Uhm, excuse me, miss...Mang Tomas ba ang lotion mo?"
***
Aanhin ko ang napakalaking bahay, mamahaling sasakyan, milyun-milyong kayamanan, at masasarap na pagkain kung ang kapit-bahay ko ang may-ari ng mga iyun?!
***
Nanay: Ano 'tong malaking zero sa test paper mo?
Anak : Hindi po 'yan zero, 'Nay. Naubusan lang ng star ang teacher ko kaya binigyan niya ako ng moon! Moon lang 'yan, 'Nay, promise!
***
Mga sikat na salawikain:
Better late than pregnant..
Kapag may tiyaga, good luck!
Aanhin pa ang damo.....kabayo ba ako?
Do unto others, then, run! Run! Run!
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay lumaki sa ibang bansa.
Ang lalaking nagigipit, sa bakla kumakapit.
***
Guro: Sino si Jose Rizal?
Juan: Di ko po kilala.
Guro: Ikaw Pepe?
Pepe: Di ko rin po kilala..
Guro: Di nyo kilala si Jose Rizal?
Pedro: Ma'm, baka po sa kabilang section sya!
***
Paano humamon ng AWAY ang ...
BULAG?
Magpakita kayo mga Duwag!
DULING?
Isa Isa Lang! para patas ang Laban!
PILAY?
Patay kung Patay! Walang Takbuhan!
***
Husband: Kung di ako makaligtas sa operasyon ko bukas, ikaw na sana ang bahala sa lahat-lahat.... I LOVE YOU!
Wife: Tumigil ka! wala pang namamatay sa TULI!
***
Pedro: Pare balita ko bading ka daw. totoo ba?!
Ambo: Pare, Mga chismax lang 'yun galing sa mga chuvanes na walang magawa sa mga chenilyn nila.... chura nila! hmpf!
***
Boy: Di na tuloy ang kasal natin
Girl: Bakit?!
Boy: Kuya mo kasi eh!
Girl: Hindi no! Gusto ka ng Kuya ko!
Boy: Yun nga eh...gusto ko rin ang kuya mo!
***
Juan: San ka galing?
Pedro: Sementeryo, libing ng byenan ko.
Juan: E bakit puro kamot ang mukha at braso mo?
Pedro: Mahirap ilibing eh... Lumalaban!!
***
BALIW (tumawag sa mental hospital): Hello.... may tao po ba sa Room 168?
Telephone Operator: Wala po, bakit?
Baliw: Check ko lang kung nakatakas talaga ako!
***
Misis: lolokohin ko mister ko, magpapanggap ako na prosti dito sa kanto.
Timing (dumaan ang mister nya...)
Misis: Pogi! available ako ngayon, pwede ka ba?
Mister: Yoko sayo...kamukha mo misis ko!
***
Bigo ka ba sa luv? eto mga gud partner...
Kuba: Mapagkumbaba
Pilay: Hindi ka tatakbuhan
Bulag: walang paki sa looks mo
Pipi: Hindi nagbibitiw ng bad words
Duling: Hindi ka hahayaang mag-isa!
***
American guy named Paul challenged a Filipino:
American: Use my name 4 times in a sentence!
Pedro: Paul, be carePaul, you might Paul in the swimming Paul.
***
Biyaya na makukuha sa Gulay:
AMPALAYA - pampapula ng dugo
KALABASA - pampalinaw ng mata
TALONG - pampatirik ng mata
MANI - pampatirik ng TALONG. Ay! nalito na ako.
***
Quote for the Day...
Ang Buhay ay parang bato...it's Hard.
***
Love is a hidden fire, a pleasant sore, a soothing pain, an agreeable torment, a sweet wound, in short - a gentle death! Ang lalim! great! Dati Love is blind lang, eh!
***
Mister: Di ko na kaya problema ko!
Misis: Hon, problema natin ito, tayo ang magkasama sa buhay, lahat ng problema mo problema ko... ano problema natin?
Mister: Nabuntis natin si Inday, tayo ang ama!
***
Kapag may kaaway ka, tandaan mo...dito lang ako... dito lang talaga ako...tapos dyan ka lang, wag kang pupunta dito! Baka madamay ako.
***
Prospective Employer to Applicant: " So why did you leave your previous job?"
Applicant: " The company relocated and they did not tell me where!"
***
Juan: Birthday ng asawa ko...
Pedro: Ano regalo mo?
Juan: Tinanong ko kung ano gusto niya.
Pedro: Ano naman sinabi?
Juan: Kahit ano basta may DIAMOND...
Pedro: Ano binigay mo?
Juan: Baraha

Saturday, October 4, 2008

joke time

ok game, joke time muna tau nang makalimot sa mga kadramahan sa buhay...

Si Empoy nahulog sa septic tank, sumigaw: SUNOG!!! SUNOG!!!

Dumating ang bumbero at iniligtas sya, tanong: Bakit sunog ang isinigaw mo?
Empoy: Kung tae ba pupunta kayo?? TAE!!! TAE!!! Ganun???!


eto ang malupit na joke na pumunit sa labi ko kakatawa... kung korni, ewan ko lang sa lolo nyo!! hahaha...

TALOY: chong may nalimutan ka ata ngayon ha??
EL: bakit ano bang okasyon ngayon?
TALOY: sige ganyanan na!
EL: awwww.. tampo na...
HAPPY MONTHSARI!!!
wahahahahaha....

eto naman para sa mga mag-syota...

BF: hon pano kung malaman mo na may ibang babae akong mahal??
GF: wala lang... huhugutin ko lang naman ang throat mo tapos isasaksak ko sa baga mo, then babalatan kita at magdamag na ibababad sa asin at calamansi. tapos kakapunin kita at yung sword of glory mo, puputulin ko at isasabit sa door namin..

bakit???

BF: (nilunok ang laway) curious lang.. lab u..

hahahaha....

eto naman para sa mga madadramang anak...

NANAY: anlakas mong kumain pero di ka naman mautusan!! ang kapal ng muka mo!!!
ANAK: kapag yung baboy natin malakas kumain natutuwa ka!!! sino ba talaga anak mo?? ako o yung baboy??? umayos ka nay!!! di ka nakakatuwa ha!!!

o ha!! palong palo!!! hehehe...

eto naman para sa mga epal na klasmeyt...

TIBOR: lahat tau nagmula kay eva at adan..
JUNO: hindi yan totoo.. sabi ng papa ko nagmula tayo sa unggoy!
TIBOR: hindi natin pinaguusapan ang pamilya mo!! wag kang epal!!!

o yan muna sa ngayon.. naway napangiti ko kayo kahit onti.. sa mga nakornihan, korni nyo din!!

ciao!!!










Friday, September 5, 2008

google as downloader

share ko lang sa inyo yung natutunan ko on HOW TO DOWNLOAD USING GOOGLE which is much more faster and easier than limewire but not that very reliable pero mas lamang ang hindi virus... hehehe..

ok, so here's how it is.. siguro first step punta muna kau ng google... hehehe.. tapos sa search bar, just type

intitle:"index.of" (exe) file.name -html -htm -php -ph -asp -jsp"

ayan so, yung intitle:"index.of" eh hindi ko alam kung anong use.. hehehe... yung (exe) dun mo ilalagay kung anong file extension nya whether .exe .pdf .mp3 .mov .mpeg .jpg... then yung sa file.name naman, syempre kung anong file name ng hinahanap mo basta istead of space, replace it with a dot (.). then lastly, yung sa -html -htm.... it means that it will not show you these pages kasi puro index pages lang ang pinapakita nya.

ayan, so try nyo na... subok ko na to sa mga licensed softwares. yung ibang epektos ko dito ko nadownload eh.. hehehe...

pwede nyo i-try, pwede ding hindi. bahala kayo.. ingat lang sa ida-download.

ciao!!!